PAGLIPAS NG PERYA Dokumentaryo NI: KARA DAVID Bago nagkaron ng telebisyon, computer, mall at sinehan ang karnibal ang palabas na kinakaabangan ng marami sa atin. Pero ang mga artistang pinapanood ay wala sa entablado kung hindi ay nasa mga hawla. Taong 1997 nang gawin ni Kara David ang dokumentaryong “Karnibal” kung saan nakilala niya ang mga taong “Side Show” sa perya tulad nina “Taong manok”, “kangaroo boy”at “Zurika”. Makalipas ang 20 taon, sinubukang hanapin ni Kara David ang mga ito. Mahigit 20 taon na ang nakakalipas ng gawin ni Kara David ang report na ito isa ito sa kanyang assignment na tuklasin ang buhay karnabal. Sa isang karnabal sa pasay city unang nakilala ni kara David si angelito “Human Penguin” ang bansag sakanya pero sa likod ng kinang ng karnabal si angelito ay isang mapursiging ama na walang ibang hangad kundi buhayin ang pamilya.”Minsan napipilayan ako nabubukulan ako sa kaka praktis ko” eto ang sabi ni angelito kay kara nung siya ang kinuhaan ng pahayag noong...